Sa kauna-unahang pagkakataon, magsasanib-puwersa ang dalawang higanteng TV network sa Pilipinas na GMA at ABS-CBN para sa isang proyekto kasama ang Viu.

Wala pang inaanunsyong detalye, ngunit isinaad sa isang teaser nitong Biyernes na markahan na ang Enero 23, 2023 ng 12 p.m. dahil may "unbreaking" na mangyayari.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ADVERTISEMENT

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

 

Nito ring Enero, matatandaang nakipag-partner ang GMA sa Viu Philippines para sa paggawa ng world-class content para mas maabot pa ang maraming audience sa buong mundo.

Kabilang ang "The Write One," na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali, sa mga palabas ng GMA na magkakaroon din ng streaming sa Viu, at ang "Love Before Sunrise," na pagbibidahan nina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

Noong nakaraang taon, pumirma rin ang dalawang higanteng network para maipalabas sa GMA ang ilan sa pinakasikat na mga pelikula ng Star Cinema ng ABS.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News