Usap-usapan ng netizens ang madamdaming pamamaalam sa isa't isa nina Klay at Fidel sa pagbabalik ng dalaga sa modernong panahon sa nakaraang episode ng "Maria Clara at Ibarra."

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing nagtrending sa Twitter Philippines ang "FILAY Babu," "Fidel" at "Klay," matapos hindi maka-move on sa eksena ang mga manonood sa pamamaalam ni Klay, ginagampanan ni Barbie Forteza, kay Fidel, na ginagampanan naman ni David Licauco.

Sa pagbabalik ni Klay sa tunay na mundo, muli na silang nagkita ng kaniyang ina na si Narcisa, na ginagampanan ni Manilyn Reynes, at kapatid na si Elias.

ADVERTISEMENT

Nagulat si Klay nang matuklasang ilang oras lamang siyang nawala sa kasalukuyang panahon.

Binaon ni Klay sa kaniyang pagbabalik sa tunay na mundo ang mga natutunan niyang aral ng Noli Me Tangere.

Samantala, may mensahe rin sa isa't isa sina Barbie at David bilang sina Klay at Fidel na nagpakilig ng kanilang team "FiLay."

"In another life, I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world," mensahe ni Barbie, na in character bilang si Klay, kay David.

"Pwede ba now na lang?" tugon naman ni David, bilang si Fidel. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News