Inihayag ng South Korean actor na si Song Joong Ki na kasal na siya sa kaniyang non-showbiz partner, at magkakaroon na sila ng anak.

Ayon sa Soompi, ginawa ng aktor ang anunsyo nitong Lunes, January 30.

"I have promised to continue life together with Katy Louise Saunders, who has been by my side supporting me and who I have spent valuable time with while cherishing each other," saad sa bahagi ng sulat ni Joong Ki.

ADVERTISEMENT

"We naturally dreamed of creating a happy family together. We have put in much effort to keep each other’s promises, and we are sincerely thankful as a new life has come to us," patuloy niya.

"And today, based on our deep trust and love for each other, we are on our way back from registering our marriage to begin life as a married couple," sabi pa ng aktor.

Nagpapasalamat si Joong Ki sa kaniyang fans na nagpapahalaga sa kaniya anuman ang mangyari.

Nitong nakaraang buwan, kinumpirma ni Joong Ki ang relasyon nila ng isang British woman, pero wala siyang ibinigay na detalye.

Dating kasal ang aktor kay Song Hye Ko pero nagdiborsiyo sila dalawang taon lang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib noong 2019. — FRJ, GMA Integrated News