Inihayag ni Michelle Dee na bukas siyang sumabak sa temang girls love (GL) project.

Sa Twitter nitong Huwebes, game na sinagot ng Miss Universe Philippines Tourism 2022 titleholder ang kaniyang ang mga tanong ng kaniyang follower na nilagyan niya ng hashtag na #DeePaTapos.

ADVERTISEMENT

Isang follower niya ang nagbato ng tanong kung tatanggapin ba niya ang GL series o movie?

"O'naman! With the right storyline and co-actors, why not?" tugon ni Michelle.

 

 

Ayon pa sa beauty queen, may tinanggap na siya noon na dalawang GL projects pero hindi natuloy dahil sa conflict sa schedules.—FRJ, GMA Integrated News