Muling nagpapakilig ang “BarDa” tandem nina Barbie Forteza at David Licauco, na itatampok sa official music video ng “The Way You Look at Me” cover ng Ben&Ben.

Sa Chika Minute report sa 24 Oras, sinabing sa Marso na ilulunsad ang music video, at may special participation pa ng orihinal na singer ng kanta na si Christian Bautista.

ADVERTISEMENT

 

Bago nito, nagkaroon na rin ng "Maria Clara at Ibarra" music video ang kanta ng Ben&Ben na “Kayumanggi,” tampok ang characters ng show, kasama sina Klay at Fidel.

Matatandaang pumatok sa netizens ang tambalan nina Klay at Fidel, na nabuo ang pag-iibigan sa “Maria Clara at Ibarra.” —LBG, GMA Integrated News