Matapos ang matagumpay na love team na Team “FiLay” nina Fidel at Klay sa “Maria Clara at Ibarra,”  inanunsyo ni David Licauco na tuloy-tuloy ang tambalan nila ni Barbie Forteza para sa isang series at may upcoming movies pa.

“We have a teleserye with Barbie coming up and we also have several movies lined up. Sana abangan nila,” sabi ni David sa ulat ni Sarah Hilomen Velasco ng GMA Regional TV One Mindanao sa 24 Oras nitong Biyernes.

ADVERTISEMENT

Samantala, naghiyawan ang fans sa paglabas pa lang ni David sa kaniyang pakikisaya sa ika-22 araw ng Panabo.

“Just being here seeing the people of Panabo, talagang sumisigaw sila, and I really felt the love kaya super thankful ako,” sabi ni David.

Bukod dito, nangharana rin si David sa ika-86 araw ng Davao na labis na ikinatuwa ng mga tao.--FRJ, GMA Integrated News