Bago mapunta sa larangan ng pagbabalita, naging radio announcer muna si Mike Enriquez sa isang FM station, at nakilala bilang si "DJ Big Mike." Sa naturang trabaho niya nakilala ang kaniyang butihing kabiyak na si Lizabeth "Baby" Yumping, isa niyang avid listener.

Payo ni Mike sa mga magkabiyak: "Huwag kayong titigil na maging magkaibigan kahit kasal na kayo. Date lang kayo nang date, at huwag niyong kakalimutan na mag-holding hands parati kahit na gaano na kayo katagal kasal."

ADVERTISEMENT

Nitong Martes, pumanaw si Mike Enriquez sa edad na 71.

Balikan sa programang "Wagas" kung papaano nabuo ang wagas na pagmamahalan nina Mike at Baby, at kung papaano nila nalampasan ang pagsubok sa kanilang pagsasama. Panoorin.

--FRJ, GMA Integrated News