Inilahad ni Rufa Mae Quinto na nananatili silang mag-asawa ng yumaong kabiyak na si Trevor Magallanes, at wala pa sa kanila ang naghahain ng annulment.
"Mag-asawa pa rin kami ni Trevor, walang nag-file sa amin ng annulment," sabi ni Rufa sa kaniyang Facebook post.
Inalala ni Rufa na ikinasal sila ni Trevor noong 2016, ngunit nabigla sa kaniya ngayong pagiging biyuda.
"Shock pa rin at nagluluksa po kaming mag-ina," sabi niya.
Nagpasalamat si Rufa sa lahat ng mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay at pagmamahal.
"Lord please give me and Athena our daughter strength. Ang sakit," anang aktres.
Samantala, patuloy na nakiusap si Rufa na mag-ingat ang publiko sa kanilang mga post tungkol sa kamatayan ni Trevor, at huwag itong gamitin para lamang sa kanilang mga content.
"As we cautiously navigate through this emotionally difficult period in our lives, we would appreciate discretion from everyone. Nakikiusap ako na huwag naman po ninyong gamitin ang pangyayaring ito para magkaroon lamang kayo ng ‘content’."
Muli niyang hinikayat ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi pa nakukumpirmang impormasyon, at sa kaniya lamang manggagaling ang mga opisyal na pahayag.
"As the wife of Trev, all information surrounding his passing will come from me. Ang lahat ng detalye ay maaari ko lang maibigay sa tamang oras. For the sake of our daughter, Athena, please refrain from spreading unverified information that she can access through social media," sabi ni Rufa.
"Let us just remember the good times that we had with my husband, Trev," sabi pa niya.
Ibinahagi ni Rufa noong Huwebes ang malungkot na balita tungkol sa napaulat na pagkamatay ng kaniyang asawa, at humiling na bigyan muna sila ng oras na makapagluksa. —VBL GMA Integrated News

