Si Ruru Madrid ang susunod na bisita sa Bahay ni Kuya sa "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0."

Sa episode ng reality series nitong Miyerkoles, ipinasilip na nasa confession room ni Kuya ang Kapuso Primetime Action Hero.

Makikita rin ang kasiyahan ng housemates nang malaman kung sino ang bagong bisita nila sa bahay ni Kuya.

Kabilang sa mga nauna nang bumisita sa bahay ni Kuya sa "PBB Collab 2.0" ay sina Esnyr, Joshua Garcia, Piolo Pascual, at Belle Mariano.

Napapanood ang "PBB Collab 2.0" sa GMA Network mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 9:40 p.m. Habang 6:15 pm naman tuwing Sabado, at 10:05 p.m. kapag Linggo. —FRJ GMA Integrated News