Pinatunayan ni Rabiya Mateo na hindi lang pang-beauty queen ang kaniyang ganda nang kasahan niya ang mini-dance showdown nila ni Rochelle Pangilinan sa sikat na Sexbomb hit na "Spaghetti."

Sa Tiktok ni Rochelle, na mapapanood din sa kaniyang Instagram, makikita na kayang kaya rin ni Miss Universe Philippines 2020 na mag-Spaghetting pababa at pataas.

@rocsolinap

ADVERTISEMENT

Si Sexbomb Rabiya!????##spaghetti ##spahghettidancechallenge ##sexbombRabiya

? original sound - Deadshottiktokers(kikay)

Dahil dito, binigyan ni Rochelle ng pag-welcome ang beauty queen bilang si "Sexbomb Rabiya."

"May nag request na sumayaw daw kami si Sexbomb Rabiya! ????" caption ng dating Sexbomb dancer.

Meron na ngayon itong mahigit 870,000 views at 106,000 likes. —LBG, GMA News