Inilahad ni Juancho Triviño na binalak muna nila ng kaniyang asawang si Joyce Pring na umalis patungo sa ibang bansa bago magka-baby, pero nag-iba ang kanilang plano nang dahil sa pandemya.

"Actually what happened was we were actually leaning on leaving the country first kasi unstable nga 'yung trabaho namin. Tapos ayaw muna namin mag-baby," saad ni Juancho sa "Mars Pa More."

"And then may nangyaring isang beses na we had to quarantine kasi na-expose kami sa COVID-19. Nag-quarantine kami and we decided and prayed about it na parang mas okay siguro na mag-invest kami muna dito sa Pilipinas and see where life takes us," pagpapatuloy ng Kapuso actor.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap, dito na nagdesisyon sina Joyce at Juancho na magkaroon ng kanilang anak.

ADVERTISEMENT

"Siguro mga October 'yun, we're also very vocal about it na pagkatapos naming mag-usap we decided after that, nag-start na kami in trying. Sobrang blessing, and pinag-usapan din namin ito, na after probably like two weeks nabuntis siya kaagad," sabi ni Juancho.

Kinonsulta rin muna nina Joyce at Juancho ang kanilang mga kakilala at mahal sa buhay kung mabuti ba ang pagbubuntis sa gitna ng pandemya.

"Maraming nag-advice rin na nakakatakot magbuntis. Pero marami rin nagsasabi ng katulad ng sinabi ni Iya (Villania) na better, good time na rin ngayon kasi lahat tayo nasa bahay lang," ani Juancho.

"Mas careful na rin naman tayo ngayon kapag pumupunta sa hospitals kasi we know more about what can get us contaminated and whatnot. Napag-isipan na rin namin 'yun and parang na-point kami sa direction na sige, puwede naming i-explore," dagdag niya.

"Kasi kapag nag-decide kami hindi rin naman ibig sabihin nu'n mabubuntis siya" ayon kay Juancho.

Ibinalita nina Joyce at Juancho sa anibersaryo ng kanilang kasal nitong Pebrero na magkakaroon na sila ng baby. —LBG, GMA News