Excited at hands on na ang SB19 para sa nalalapit nilang online concert na "Back In The Zone" sa Linggo.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation," sinabing hindi biro ang ginagawang paghahanda ng Pinoy pop group mula sa pag-conceptualize ng concert hanggang sa pagbuo ng set, lalo ngayong umiiral ang restrictions dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa grupo, puspusan pa rin ang kanilang paghahanda para sa kanilang solo at group performances.

ADVERTISEMENT

Nagpa-swab test ang grupo at production staff para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Mahigpit ding inoobeerbahan ang health and safety protocols para maiwasan ang aberya sa Linggo.

"Sisiguraduhin naming itong concert na ito is magiging memorable and super happy ng mafi-feel especially ng aming A'Tin," sabi ni SB19 member Justin.

Unang nakatakdang gawin ang Back In The Zone concert sa Hulyo 18, pero nalipat ito sa Agosto 1 para na rin sa kaligtasan ng kanilang fans. —LBG, GMA News