Ikinuwento ni Pokwang na dahil sa matinding selos, nagawa niya noon na habulin ng katana ng samurai ang kaniyang partner na si Lee O'Brien.

Sa "Mars Pa More," sinabi ni Pokwang na napagkamalan niyang may ibang babae ang kaniyang partner dahil may tinatawag ito na "Darling."

"Si papang kasi, meron siyang kapatid na Koreana, ampon nila, adopted sister kumbaga. So hindi niya naman sinabi agad sa akin 'yon kasi siguro mga bago-bago pa lang kaming nagsasama noon," sabi ni Pokwang.

ADVERTISEMENT

"Hindi ako na-brief. Ang terms of endearment nila is 'Darling.' Ganoon pala talaga sila ano, 'darling,'" pagpapatuloy niya.

Dahil dito, naglasing si Pokwang at nakaramdam ng galit kay Lee.

"Nakita ko, 'I'm home, darling.' Ay! Naglasing ako ng gabing 'yon. Chenelyn, Chenelyn. Tapos inaway-away ko siya. Eh merong katana sa bahay, hinabol ko siya no'n 'day! Tapos iyak siya ng iyak. Sabi niya 'Wala akong kakilala dito, wala akong kaibigan dito, bakit mo ako ginaganiyan?'"

"Sino 'yang darling darling?'" tanong ni Pokwang. "Doon niya in-explain sa akin, 'I have an adopted sister, she's Korean...'"

"Anong magagawa ako, nahabol na kita. Eh 'di 'Annyeong!' (finger heart). Naawa naman din ako," paghingi ng paumanhin ni Pokwang.

Sa ngayon, close na sina Pokwang at ang adopted sister ni Lee. —LBG, GMA News