Tuloy na tuloy na ang world tour ng Pinoy pop group na SB19.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules, sinabing magsisimula ang "Where You At" world tour sa Araneta Coliseum sa Setyembre 17 kung saan sold out na ang concert.

ADVERTISEMENT

Sunod na magpe-perform ang SB19 sa Cebu, Clark, Davao at Dubai sa Oktubre.

 

Sa Nobyembre naman, magtatanghal din sina Pablo, Josh, Stell, Ken at Justin sa New York, Los Angeles at Singapore.

Madadagdagan pa ang tour dates kaya dapat abangan ng fans ang announcement ng SB19.

May hatid na disco at arcade vibes ang bagong single ng SB19 na "WYAT" o Where You At, na tungkol sa pag-reconnect sa mga mahal sa buhay. —Jamil Santos/LBG, GMA News