Sa scale na 1 to 10, at 10 ang pinakamataas, "9" ang ibinigay na score ni Kapuso actor Mikoy Morales bilang panukat kung gaano kasakit ang pinakahuling break-up nila ni Thea Tolentino.
Sa segment na "Lightning Laglagan" sa programang "Mars" nitong Miyerkules, inamin ni Mikoy na nahihirapan pa rin siyang mag-move on, at hindi ito ang unang pagkakataon na naghiwalay sila ng aktres.
"Oo ang hirap eh. Okay naman and getting there. This isn't the first time. Nu'ng una, masakit din pero kasi du'n, ako 'yung may kasalanan. Mas madali na ngayon kasi dati, obvious na ako 'yung may kasalanan, na ako 'yung may mali."
Inihayag ni Mikoy na parehong pinagdesisyunan nila ni Thea ang pinakahuli nilang break-up.
"But this time kasi, it's harder in terms of walang may mali. It was very mutual, walang may kasalanan. And we both wanted this for ourselves." —LBG/FRJ, GMA News
