Lingid sa kaalaman ng marami, 19 years nang nakaratay sa banig ng karamdaman ang ama ng Kapuso actress na si Sophie Albert.
“Ganun pa rin, stable. Stable, but same condition,” sagot ni Sophie nang kumustahin sa kanya ang kondisyon ng ama.
Ang kundisyon ng ama niya, ayon sa description ni Sophie: “Yung state niya ngayon, mild stupor, parang one level above siya ng comatose.”
Nagkagoon daw ang ama ni Sophie dahil sa heart attack at stroke.
Sabi pa ng aktres, “Nineteen years and without, like, yung usual complications ng mga people in his condition.
“Like, he doesn’t have bed sores. Wala.”
Wala ring life support system ang ama ni Sophie.
Normal daw lahat ng vital signs ng ama tulad ng blood pressure, pulse, at heart rate.
“Like, every thirty minutes, kailangan siya talagang i-turn o i-move.”
May private nurse daw ang kaniya ama.
Sabi pa niya, 49- years old lang daw ang kaniyang ama nang nang magkaroon ito ng karamdaman.
Nang tanungin kung napapanood kaya ng kaniyang ama ang serye niyang Bihag, sabi ng aktres, “May TV siya sa room, pero hindi siya conscious kasi, e.
“Like, he wakes up and sleep. He’s mild stuperous, meaning, parang comatose.
"But only difference is that he can feel pain."
Nakakarinig ba ang ama niya kapag kinakausap nila?
“Ang sabi nila, oo daw. Pag in that state. yung the last to go kasi natin is our hearing.
“So, sinabi nila na he can hear you. But respond, wala.”-- For the full story, visit PEP.ph
