Sinalakay ng mga awtoridad ang isang compound na nabistong “nagpapa-ihi” o ilegal na nagpapakarga ng LPG sa mga tangke sa Barangay Toro, Quezon City. Ang 200 tangke ng LPG, nakumpiska.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikita ang puwersahang pagpasok ng Criminal Investigation and Detection Group sa compound sa bisa ng search warrant matapos silang hindi papasukin ng guwardiya ng compound.

ADVERTISEMENT

Nagsasagawa umano ang estasyon sa compound ng “paihi” o ilegal na pag-refill ng mga tangke.

Patung-patong na mga reklamo ang haharapin ng establisyimento. — Jamil Santos/DVM, GMA Integrated News