Perwisyo umano sa mga taga-Ubando, Bulacan ang pagbaha dulot ng pinagsamang high tide, pag-ulan at ang nasirang dike sa kanilang lugar na hindi pa  nakukumpini.

Sa ulat ni Corinne Catibayan sa Unang Balita nitong Huwebs, sinabing lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa bayan ng Ubando.

ADVERTISEMENT

Sinusuong ng mga residente ng Barangay Panghulo ang hanggang binti na lalim ng baha.

Bukod umano sa napakalaking abala ng baha, sinisira din nito ang mga sasakyang gamit sa kanilang paghahanapbuhay.

Ayon sa mga residente, may nasira umanong dike kaya ilang linggo na nilang tinitiis ang pagbaha.

 Kasabay pa umano ito ang high tide at pag-ulan. —LBG, GMA News