Nasabat sa buy-bust operation sa Navotas ang halos dalawang kilo ng marijuana mula sa dalawang drug suspek.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang mga suspek na sina Christian Midera, at George Sanchez.

ADVERTISEMENT

Sa taya ng mga pulis, aabot sa P240,000 ang halaga ng nasamsam na halos dalawang kilong marijuana.

Hindi pa nagbigay ng pahayag ang mga inaresto. —LBG, GMA News