Isang kawani sa Malacañang compound ang nasawi matapos na mahulog mula sa ika-apat na palapag ng Mabini Hall, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Huwebes.

Sa press briefing, kinilala ni Angeles ang nasawi na si Mario Castro, isang administrative aide na nakatalaga sa Information Communications Technology Office sa ilalim ng Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Angeles, iniimbestigahan pa ang nangyari kay Castro. Nagpaabot siya ng pakikiramay sa mga naulila ng kawani.

"Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaniyang pagkamatay at nagko-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP Security Force Unit. May naiwang asawa at mga anak si Mr. Castro. Kami po ay nakikiramay sa kaniyang pamilya," anang opisyal.--FRJ, GMA News