Patay ang dalawang lalaki at isang babae sa pamamaril sa Taguig City nitong Linggo ng madaling araw.

Nangyari ang insidente sa isang transient house sa may Salas Bridge sa Barangay Fort Bonifacio nitong 3:30 a.m., ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa Super Radyo dzBB.

ADVERTISEMENT

Nagising na lang daw ang mga residente nang marinig nila ang pagputok ng baril na napag-alaman ay .45 ang kalibre.

Nakatakas daw ang suspek sakay ng isang van.

Hindi raw residente ng barangay ang mga biktima.

Pinoproseso na ng Philippine National Police-Scene of the Crime Operations ang crime scene. —KG, GMA News