Walwal now, hangover later. Bakit nga ba kung minsan ay nakararanas ng matinding sakit ng ulo ang labis na pag-inom ng alak? Totoo nga bang may pangontra sa hangover?

Sa programang "Pinoy MD," sinabing nakararanas ng hangover ang taong nasobrahan sa pag-inom ng alak dahil sa dehydration.

Paliwanag sa programa, ang alcohol ay isang "diuretic" o nakakapagpaihi. Dahilan ito para nawalan ng tubig sa katawan at electrolytes.

ADVERTISEMENT

Kaya sa sakit ng ulo, nakararamdam din ng panghihina, manunuyo ng labi at pagkahilo ang may hangover.

Ang manginginom na si Noel Romasanta, sinabing may pangontra siya sa hangover na kaniyang ginagawa--ang chicken and corn soup.

Hindi raw niya alam kung anong mayroon sa naturang soup pero nakararamdam daw siya ng ginhawa kapag humigop ito nang mainit.

Pero ayon sa lifestyle medicine specialist at registered nutritionist na si Dr. Dex Macalintal, dahil dehydration ang pangunahing dahilan ng hangover, ang pag-inom ng fluid o tubig ang kailangan gawin ng taong may hangover.

Sa paglalagay muli ng tubig sa katawan o pag-rehydrate, mababalanse muli ang electrolytes, at maalis ang toxin sa katawan.

Sabi pa ni Macalintal, walang magic remedy na pang- alis ng hangover. Pero may katotohanan nga kaya na nakatutulong ang chicken and corn soup para mapahina ang talab ng hangover?

Alamin sa video ang paliwanag dito ni Macalintal. Panoorin. --FRJ, GMA News