Narekober ng mga awtoridad ang mahigit P1.3 milyong hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Bacoor, Cavite.

Inaresto rin ng awtoridad ang suspek na si Michelangelo Cecilio sa nasabing operasyon, ayon sa ulat sa Unang Balita ng GMA News nitong Martes.

ADVERTISEMENT

Wala namang pahayag na ibinigay ang suspek.

Quezon City

Samantala, sa Barangay Central sa Quezon City, inaresto ng mga pulis ang dalawang drug suspek na kinilalang sina Randy Tomambing at Lloyd Acorda.

Narekober sa kanila ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.

Sinusubukan pa ng GMA News na kunan ng pahayag ang mga suspek. —KG, GMA Integrated News