Patay ang isang motorcycle rider matapos siyang mahagip ng isang pampasaherong jeepney na biglang dumiretso sa isang ospital sa Sta. Ana, Maynila nitong Linggo.

Hindi pa pinapangalanan ng mga awtoridad ang biktima, ayon sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Manila Police District (MPD) director Police Brigadier General Andre Dizon, nangyari ang aksidente bago mag-tanghali sa Old Panaderos Street.

Tumilapon ang rider matapos siyang mahagip ng jeepney na tumuloy-tuloy sa lobby ng Trinity Woman and Child Hospital.

Nasa kustodiya na ng MPD ang jeepney driver. —KG, GMA Integrated News