Kinagiliwan at ikinatuwa ang isang aspin sa Mabini, Davao de Oro kamakailan. Ito ay matapos mautusan ang aso ng kaniyang mga amo na bumili sa isang sari-sari store.  

Sa ulat ni Kent Abrigana ng GMA Regional TV “One Mindanao” nitong Miyerkoles, kinilala ang aso na si April, na pagmamay-ari ng magkarelasyong si Queenie Olimpay at Lans Omasdang. 

ADVERTISEMENT

Nag-viral kamakailan si April matapos i-upload ni Lans ang video kung saan makikita ang aso na bitbit ang gatas na binili nito sa isang tindahan.

Kaligayahan din daw ang hatid ni April sa mga kapitbahay.

Ayon kina Lans at Queenie, napamahal na sa kanila ang aso kung kaya’t itinuturing na nila itong parang isang anak. —Mel Matthew Doctor/LBG, GMA Itegrated News