GENERAL LUNA, Quezon - Triple pay sa Valentine's Day ang lahat ng papasok na empleyado sa lokal na pamahalaan ng General Luna, Quezon na single since birth o walang jowa ng limang taon.

'Yan ang inanunsiyo ni Mayor Matt Erwin Florido nitong Lunes.

ADVERTISEMENT

Samantala, ang mga single naman ay maaaring makapamili kung double pay  kapag sila ay pumasok sa Martes, Pebrero 14, o leave without pay sa Lunes, Pebrero 13 kung sakaling gusto nilang mag-enjoy ng long weekend, aniya.

Ayon kay Florido, ang kwalipikado ay maaaring mag-sumite sa Mayor's Office o sa HRMO ng kanilang aplikasyon para sa nasabing benepisyo. Mayroong special committee na magva-validate. Mahalaga raw ang katapatan.

Ang benepisyo ay manggagaling sa personal na pera ni Florido at hindi kukunin sa pondo ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Florido, bahagi ito ng innovative governance.

Nais din daw niyang bigyan ng pagkakataon ang mga single na i-enjoy ang buhay single at upang makahanap na sila ng makakatuwang sa buhay. —KG, GMA Integrated News