Natagpuan ang posibleng ninuno ng pizza sa isang antigong painting sa paghuhukay ng archaeologists sa Pompeii, Italy.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng Italian culture ministry na nadiskubre nila ang painting sa pader ng isang bahay.

ADVERTISEMENT

Itinayo ang bahay 2,000 taon na ang nakararaan noong mga panahon na wala pa ang ilang sangkap ng pizza tulad ng tomato sauce at mozzarella.

Ayon sa archaeologists, posibleng ito ang distant ancestor ng pizza. —Jamil Santos/KG, GMA Integrated News