Inanunsyo ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) ngayong Biyernes na may libreng sakay sa tatlong magkakahiwalay na araw sa susunod na linggo bilang bahagi ng paggunita sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit

“Let’s be Together in Motion for ASEAN 2026, mga KasamBiyahe!” saad ng LRT-1 sa Facebook post.

Ipatutupad ang libreng sakay sa mismong rush hour, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at muli sa ganap na 5:00 pm hanggang 7:00 pm.

Libre ang sakay sa mga araw na ito:

  • Lunes, November 9
  • Miyerkules, November 11, at
  • Biyernes, November 13

—Jean Mangaluz/FRJ GMA News