Star-studded ang tatlong special at inspiring stories na itatampok sa ika-24 anibersaryo ng award-winning Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” ngayong Nobyembre.

Sa ulat ng GMA News Balitanghali nitong Biyernes, sinabing unang mapapanood sa Sabado, Nobyembre 7, sa “Mag-ama, Reunited sa Bus” episode, na pagbibidahan ni Sparkle star Caprice Cayetano bilang si Jinky.

Ang kuwento ay tungkol sa viral na reunion ni Jinky at ng kaniyang ama makaraan ang dalawang dekada,at naganap ito sa loob ng isang pampasaherong bus.

Reunited din si Caprice sa kaniyang co-stars na sina Katrina Halili at Neil Ryan Sese. Nakatrabaho ni Caprice si Katrina sa “Prima Donnas,” habang gumanap ding tatay ni Cap si Neil Ryan sa “Cruz vs Cruz.”

Mapapanood naman sa susunod na Sabado si Kapuso Prime Gem Bianca Umali sa “Sunog na Mukha” episode.

Gaganap namang trans woman si Ultimate Star Jennylyn Marcado sa “Mama's Cradle” sa Nobyembre 21.

Ibinahagi ng host ng show na si 24 Oras anchor Mel Tiangco ang sikreto sa staying power ng Magpakailanman.

“In all episodes of Magpakailanman, I stand to represent our televiewers. I am there to prove na itong subject namin is true. Kasi kaharap ko, kausap ko. So talagang ang ‘Magpakailanman’ talaga, totoong totoo talaga. That is the staying power of ‘Magpakailanman,’” sabi ni Tita Mel.—Jamil Santos/FRJ GMA News