Umabot na sa P500 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 game matapos na wala pa ring nanalo sa ginanap na draw nitong Linggo, Nov. 8, 2026. Huling tinamaan ang jackpot sa naturang lotto game noong nakaraang Mayo pa.

Sa draw nitong Linggo ng Ultra Lotto, ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 22-14-01-42-09-08, at umabot na ang jackpot sa P500,614,204.72.

Noong nakaraang Mayo huling may tumama sa jackpot ng Ultra Lotto na nagkakahalaga ng P76.3-milyon, at 10 mananaya ang naghati-hati sa premyo.

Samantala, wala ring pumaldo sa kasabay na draw nitong Linggo na Superlotto 6/49 prize, matapos na walang makahula sa lumabas na mga numero na 34-39-38-18-47-36, at may kabuuang premyo na P92,852,095.12. – FRJ GMA News