Grateful sa oportunidad na maging cover girl ng FHM Philippines, sinabi ni Sanya Lopez na ang pagiging sexy ay bukod pa sa pisikal na kaanyuan at umaasa siyang makikita sa kaniya ang women empowerment at pagtanggap sa sarili.

Sa Chika Minute report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, makikitang sizzling sa kaniyang red dress si Sanya sa launch ng comeback issue ng naturang men’s lifestyle magazine.

Itinampok ni Sanya ang kaniyang morena skin at fit body.

“Na-surprise ako. Sana makita nila ‘yung pagiging sexy is something na hindi lang physically. Gusto ko makita sa akin ‘yung women empowerment. Loving yourself, accepting yourself and be confident in your own skin,” sabi niya.

Bukod kay Sanya, tampok din ang lima pang Sparkle stars na sina Arra San Agustin, Faye Lorenzo, Vanessa Pena, Analyn Barro at Liezel Lopez.

Bida si Sanya sa pelikulang "Red Crown."

Dati na rin niyang ginampanan muli ang kaniyang papel bilang Danaya sa "Sang'gre." —Jamil Santos/VBL GMA News