Patay ang isang lalaki sa port area sa Maynila matapos makuryente habang nagkakabit umano ng jumper nitong Lunes ng gabi.
Nakalambitin pa ang bangkay ni Randy Lavapie, residente ng Barangay 650, Zone 68, sa mga kable ng kuryente nang abutan ng mga tauhan ng Meralco.
Ayon kay Alex Alaban, barangay assistant ex-officio, gumagalaw pa ang katawan ni Lavapie nang makita nilang nakalambitin sa mga kable kaya agad silang tumawag ng mga taga-Meralco.
Ayon sa mga tauhan ng Meralco na nagresponde sa insidente, nagkakabit ng jumper ang biktima kaya umakyat sa poste na may nakakabit na malaking karatula na nagbabala sa mga taong delikado itong lapitan. —ulat ni Mav Gonzales/ALG, GMA News
