Iba't ibang pasaway na motorista ang nakunan ng video at naging viral sa social media tulad ng isang pampasaherong jeepney na lumiko kahit may mga nakaharang na plastic barrier.

Sa ulat ng "Balitanghali" ng GMA News nitong Lunes, tila nag-level up sa pagiging pasaway ang driver ng isang jeepney na nag-u-turn sa hindi naman dapat likuan.

Nawalan ng silbi ang mga plastik na barikada na inilagay sa naturang kalsada dahil itinuloy pa rin ng drayber ang kanilang pagliko.

May mga nakunan din ng video na isang kotse na walang pakundangan na nag-counter flow.

Ang isang biker, nakunan naman mga pasaway na motoristang nag-"beat the red light" tulad ng isang jeep at UV express.

Muntik pa nitong makabanggaan ang isang trak na mabuti na lang at nakapag-preno.

Isang natanggal na gulong naman ang muntik nang tumama sa UV Express sa Quirino highway. -- FRJ/KVD, GMA News