Binaril at napatay ang isang sawa na may habang pitong metro, habang nilulunok nito ang isang buong kambing sa lalawigan Tawi-Tawi.
Photo courtesy by Dr. Allahminda Pamate
Nangyari ang insidente sa Barangay Kepeng sa bayan ng Tandubas pasado alas-7 ng umaga nitong Miyerkules.
Naaktuhang nilalamon ng sawa ang isang kambing at binaril na lamang ito hanggang sa mapatay.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang pagkapatay ng sawa dahil nagbigay umano ito ng takot sa kanila.
Ayon naman sa Department of Environment and Natural Resources ng Tawi-Tawi, sana raw ay hindi pinatay at ibinigay na lamang sa kanila ang sawa upang maibalik sa gubat na tahanan nito. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News

