Nalubog sa malaking baha ang bayan ng Ponetevedra sa lalawigan ng Capiz, matapos umapaw ang isang ilog doon dahil sa ulan na dala ng bagyong Agaton kamakailan.

Halos lampasan na ng tubig-baha ang Agbalo Bridge. Lumubog din sa baha ang park sa gilid ng ilog.

GLOC International photos


Agad na inilikas ang mga pamilyang ninirahan malapit sa ilog, at tulong-tulong ang mamamayan sa pagsagip ng mga apektadong residente.

Nagsasagawa ng forced evacuation ng  Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Capiz dahil sa biglaang pagbaha.

GLOC/Henry Octavio photos


Ayon sa local rescuers, maganda na ang panahon kung kayat nagulat ang lahat sa mabilis na pagtaas ng tubig sa bayan.

Sa tala ng PDRRMO, aabot na sa 97 pamilya o 404 indibidwal ang naililikas, na ngayon ay nasa isang paaralan sa Pontevedra.

Hindi narin madaanan ang national highway patungo sa bayan Panitan at iba pang ligtas na lugar dahil sa lampas-taong baha sa highway. Nitong Huwebes, patuloy pa ring tumataas ang tubig-baha. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News