Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes ang pagbibitiw ng kaniyang anak na si Paolo bilang bise alkalde ng Davao City.
"President Rodrigo Duterte has accepted this afternoon the resignation of Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte," ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.
Nitong nakaraang linggo, sinabi ng kapatid ni Paolo na si Davao City Mayor Sara Duterte, na tanging ang Office of the President lamang ang maaaring tumanggap ng pagbibitiw ng kaniyang kapatid.
Sa kaniyang resignation letter na may petsang December 25, binanggit ni Paolo ang pagkakasangkot ng kaniyang pangalan sa iskandalo ng umano'y smuggling sa Bureau of Customs at ang naging iringan nila ng kaniyang 17-anyos na anak na si Isabelle.
Sa isang sulat naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea para kay Paolo, ipinaalam ng una sa huli na tinanggap na ng pangulo ang kaniyang pagbibitiw.
READ: ES Medialdea sends letter to former Davao City VM Paolo Duterte accepting his resignation on behalf of Pres. Duterte pic.twitter.com/oSynT8iFI3
— Trisha Macas (@trishamacas) January 5, 2018
— FRJ, GMA News
