Simula sa Marso 25, magkakaroon na ng biyaheng Manila-Batanes araw-araw ang Cebu Pacific.
“Our new flight to Basco is in keeping with our commitment to connect more of the Philippines and make air travel safe, affordable, reliable, and fun-filled for every Juan,” ayon kay Cebgo president and CEO Alexander Lao.
Lumitaw umano sa isagawang survey ng Cebu Pacific na ang Batanes ang madalas na hinihiling ng netizen na magkaroon ng biyahe ang kanilang eroplano.
Ang biyahe ng eroplano ay aalis umano ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4 sa ganap na 6:20 a.m. Habang ang biyahe naman na magmumula sa Basco, Batanes ay sa ganap na 9:15 a.m.
Magsasagawa din ng introductory all-in seat sale ang Cebu Pacific na Manila-Basco route simula sa February 12 hanggang 13.
Ang one-way fare ay magkakahalaga ng P2,699, na may travel dates na March 25 hanggang May 31, 2018, at P2,399 para sa travel dates na June 1 hanggang Oct. 27, 2018.
“The year-round fare from Manila to Basco is as low as P4,241 all-in,” ayon sa airline. —FRJ, GMA News
