Hindi alintana ng ilang mga bata sa bayan ng Tanauan sa lalawigan ng Leyte ang ulan at hangin na dala ng bagyong Basyang kamakailan.

Sinamantala ng mga bata na mag-skimboarding sa baha sa isang parke ng Tanauan na nalubog sa tubig.

Gamit ang mga retaso ng mga sirang plywood, masayang-masaya ang mga bata sa kanilang bersyon ng skimboarding, at sa gitna ng bagyo nakahanap pa rin sila ng dahilang magsaya. —Peewee Bacuño/LBG, GMA News