Ikinasal na si Carla Abellana sa kaniyang non-showbiz partner.
Nagningning si Carla sa suot niyang puting gown sa kaniyang intimate wedding ceremony kasama si Dr. Reginald Santos nitong Sabado.
Nauna rito, ibinahagi ni Carla ang mga larawan ng kaniyang bridal shower, na ginanap sa isang dermatology clinic sa Parañaque.
Kinumpirma ni Carla ang kaniyang engagement nitong buwan matapos niyang i-post ang larawan ng kaniyang kamay na nakasuot ng singsing.
Nitong Oktubre, sumagot siya sa mga tsismis na ikakasal na siya, at sinabing, "I would like to keep it private."
—Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

