Isang aso ang naligaw sa Skyway na nagdulot ng pagbagal ng trapiko nitong bisperas ng Pasko.
Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, inihayag ng YouScooper Earlo Gabriel Bringas, na nakita niya aso na inaalalayan ng isang motorcycle patrol malapit sa Quirino Avenue Exit.
Ilang sasakyan din ang nagbagal ng takbo at nagbukas ng hazard lights, upang alalayan din ang aso, na makikita na umano ang pagod sa mahabang pagtakbo.
Bagaman nais daw ng ilang motorista na tulungan ang aso, wala silang magawa para maisakay sana ito sa sasakyan.
Hindi pa malinaw kung papaano nakarating sa Skyway, at kung ligtas siyang nakalabas sa naturang highway.—FRJ GMA Integrated News
