Inaresto ng mga awtoridad si Baron Geisler matapos na sumugod umano sa bahay ng nakaalitang bayaw sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat ng "Balitanghali" nitong Martes, sinabi ng pulisya na magwala si Baron sa harap ng bahay ng kaniyang bayaw, na nakasuntukan niya kamakailan.

Ang bayaw daw mismo ni Geisler ang nag-report sa pulisya tungkol sa pagwawala ng aktor na armado raw ng patalim at nagbanta pa umano na papatayin ang bayaw.

 

 

Ayon pa sa ulat, sinampahan na ng mga reklamong grave threat, alarm and scandal at illegal possession of deadly weapon si Geisler.

Kamakailan lang, nag-upload ni Geisler ng isang video sa Facebook na makikita larawan na duguan ang kaniyang mukha dahil umano sa pambubugbog na ginawa sa kaniya ng bayaw.

READ: Bloodied, bruised Baron Geisler claims in-law attacked him

Nag-post naman ng video ang bayaw ni Geisler at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit sila nagkasakitan ng aktor.

READ: Sagot ng bayaw ni Baron sa hirit ng aktor: 'He deserved what he got'

-- FRJ, GMA News