Kinagigiliwan ng netizens ang pagsayaw ng isang babaeng estudyante sa kanilang gate para ma-detect siya ng CCTV camera at malaman ng mga magulang niya na nakauwi na siya sa Baguio City.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood ang video ng fourth year pharmacy student na si Pia Gaerlan.
Sa halip na dumiretso sa loob ng bahay si Pia, may moment of groove muna siya sa gate at todo-hataw sa pagsayaw.
Ginagawa ito ni Pia para mag-alerto ang CCTV camera na may feature na nadi-detect kung may dumadaan sa labas ng bahay.
Bentang benta naman sa netizens ang gimik ni Pia na pagsayaw sa gate na magiging memories na rin niya.
Umabot na ng milyon-milyong views online ang kaniyang mga video. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
