Kinaaliwan ng netizens ang isang tatlong taong gulang na batang lalaki na hindi na nakapagpigil na kumagat sa lechon sa isang pagtitipon sa Malaybalay, Bukidnon.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, mapanonood ang video ni Genevieve Oling kung saan napakagat na ng lechon ang anak niyang si Richly sa gitna ng Thanksgiving Mass.
Pagkatapos tumikim, umalis si Richly na tila walang nangyari.
Ayon kay Genevieve, tila inabutan na ng gutom si Richly kaya kumagat na ito kahit na nakabalot pa ang lechon.
May 9.5 milyong views na ang video ni Richly online. —Jamil Santos/AOL GMA Integrated News
