Isang rider ang sugatan matapos umanong tangkain na mag-overtake at pumailalim sa isang bus sa New Imus Road sa Cebu City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabi ng mga tauhan ng Cebu City Transportation Office na bumibiyahe ang rider sa General Maxilom Avenue nang matumba ito.

Dinala ang biktima sa ospital na naligtas na umano ang kondisyon.

Hindi siya nagbigay ng pahayag.

Sinabi ng driver ng bus na tinangkang mag-overtake ng rider habang papaliko sila.

Agad siyang nagpreno nang may marinig na kalabog sa gilid ng bus.

Patuloy naman na iniimbestigahan ang insidente.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News