Ngayong nalalapit na ang tag-init na hudyat ng summer season, ipapakita ni Atom Araullo sa "The Atom Araullo Specials" ang ilang lugar na mala-paraiso sa kagandahan—sa dagat man o kabundukan.
Sa naturang dokumentaryo, matutupad din ang isa sa matagal nang hiling ni Atom dahil magpapakita ang isang pambihirang nilalang.
Ano kaya ang nilalang na ito, at mahulaan niyo kaya kung saan ang mga lugar na kaniyang pinuntahan?
Panoorin ang pinakabagong dokumentaryo ni Atom sa #TheAtomAraulloSpecials sa darating na Linggo, March 29, Linggo sa GMA Network. – FRJ GMA Integrated News
