Dalawa sugatan sa aksidente sa bayan ng Sariaya, Quezon. PHOTO BY MDRRMO Sariaya
Dalawa sugatan sa aksidente sa bayan ng Sariaya, Quezon. PHOTO BY MDRRMO Sariaya

Sugatan ang driver at ang pahinante ng isang truck matapos itong bumangga sa isang water tank at mahulog sa palayan sa Eco-Tourism Road, Barangay Guis-Guis, Sariaya, Quezon Miyerkules ng hapon.

Ayon sa PNP Sariaya, galing sa Candelaria, Quezon ang truck at patungo sana sa Lucena City nang sumabog ang isang gulong nito sa unahan.

Dahil sa matulin ang takbo ay nagpa gewang gewang ang truck at sumalpok sa isang water tank sa gilid ng highway at bumulusok sa palayan.

Mabilis naman na rumesponde ang MDRRMO Sariaya at na-rescue ang 2 sugatan na isinugod sa pagamutan.

Maswerte namang hindi sumabog ang mga kargang oxygen gas cylinder na nagkalat sa gilid ng highway.

Sa loob lamang ng isang linggo ay 5 vehicular accident na ang naitala sa bayan ng Sariaya, Quezon. — BAP, GMA News