Arestado ang isang tricycle driver sa Mandaluyong matapos niyang gahasain umano ang 18-anyos na babae na may diperesiya pa umano sa pag-iisip. Depensa ng suspek, ang biktima daw ang may gustong may mangyari sa kanilang dalawa.

Sa ulat ni Oscar Oida nitong Huwebes sa 24 Oras, umiiyak at humihingi ng tawag ang suspek na si Mark Estacio.

"Marami po akong naging babae, sir, pero 'yan lahat, 'di nagreklamo. 'Di ko po 'yan pinara. 'Di ko po 'yan minolestiya sir," giit ng suspek.

Kwento niya: "May nangyari po sa amin, siya po may kagustuhan...Siya po pumilit po sa 'kin. Sabi ko 'Huwag na. May asawa't anak po ako.'"

Nahagip ng CCTV ang tricycle ni Estacio sa kinaumagahan ng umano'y panghahalay. Ibinalik umano ni Estacio ang biktima sa may Barangay Highway Hills subali't makikita lamang sa video na naglalakad ang biktima ng ilang segundo pagkatapos makalayo sa lugar ang suspek.

Ayon sa Mandaluyong police, nakatulong sa mga awtoridad ang computerized facial composite sketch ni Estacio na umano'y pinaglarawan ng biktima.

Paliwanag ng hepe ng Mandaluyong police na si Senior Superintendent Moises Villaceran, Jr., "Pinakita namin 'yung CCTV sa bata, pinagharap. Sa dami-sami ng tricycle, 'di niya na-focus doon pero nang makita niya ito, nagduda na siya. Normally, ganiyan eh ang pinaka-last na matandaan nila so 'yun nakakatulong."

Sa kanilang imbestigasyon, naglalakad daw ang biktima sa Barangay Highway Hills nitong June 15 ng gabi nang madaanan ito ng suspek na umano'y namamasada.

Dinala niya raw ito sa isang madilim na sidewalk sa may Barangay Hulo.

Dalawa beses umanong pinagsamantalahan ang 18-anyos na dalaga.

Emosyonal ang kanyang ina nang ikuwento ang dinanas umano ng anak: "Sinakay siya doon sa tricycle. Ayaw nga niyang sumakay. Tinawag siya sa pangalan niya. Ang ginawa nu'ng tricycle. Tinuro lang 'yung baka sa sharapan parang umano pamalo. Natakot po 'yung anak ko, sumakay nalang po.

"Sobra po ang dinanas ng anak ko. Hanggang ngayon, kahit nakakulong, 'di pa rin ako makapaniwala na may gumawa sa aking anak ng sobra. 'Di ko malimutan, kiukuwento ng anak ko, parang laging dinudurog ang puso ko," dagdag nito.

Hindi daw magtataka ang pulis kung may lulutang pa na biktima din umano ng suspek. —Margaret Claire Layug/JST, GMA News