Isang menor de edad ang kasama sa apat na drug suspects na nadakip sa isang buy-bust operation sa parking lot ng theme park sa San Fernando, Pampanga.

Iniulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Miyerkules na kasama ang 17-taong-gulang na lalaki sa mga umano'y miyembro ng notorious na drug group na si Abdilah Omar, Amunadir Omer, at Marian Baltao.

Bultu-bultong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu ang nahanap mula sa mga suspek na hindi na nagbigay ng pahayag.

Tinatayang P1 milyon ang halaga ng mga nasamsam na hinihinalang droga.

Habang mahaharap ang tatlong suspek sa reklamong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act, napunta naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang menor de edad. — Rie Takumi/MDM, GMA News