Nasamsam ng mga awtoridad sa raid sa umano’y isang drug den sa Quezon City ang mga baril at mga sachet ng hininihalang shabu maaga nitong Biyernes ng umaga.
Bitbit ang search warrant, sinalakay ng mga pulis ang isang bahay sa Kamuning Road na ginagawa umanong drug den, dakong alas-kwatro ng madaling-araw.
Naabutan sa bahay ang subject ng warrant na si Raymond Reyes at iba pang mga lalaki sa loob ng isang kuwarto.
Tumambad sa mga awtoridad and apat na baril, mga bala, at isang wallet na may laman na umano’y shabu. Nagpapatuloy pa ang search operation.
Mahaharap naman ang suspek sa mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. —LBG, GMA News
