Sa isang video na may mahigit isang milyong views, makikita ang isang batang itinali ng pabaliktad ng isang lalaki sa bintana at pinagsusuntok, ayon sa report sa Unang Balita.
Tinanong ng lalaki ang bata kung masaya ang mommy niya sa desisyon nito, pero nang hindi sumagot ang bata hinampas ito ng lalaki.
Ang biktima na walang kalaban-laban, walang nagawa kundi umiyak. Pero kahit umiiyak na ang bata, patuloy pa rin ang pananakit ng lalaki.
Ayon sa imbestigasyon ng pulils sa Sta. Rosa, Laguna, sa araw mismo ng Pasko naganap ang insidente.
Ni-rescue ng mga awtoridad ang bata nitong Miyerkoles at nasa panganalaga na ng DSWD. Nagtatago umano ang ama ng bata.
Ayon sa uploader ng video, ang lalaki mismo ang kumuha ng video. Ipakikita niya ito sa ina ng bata na ayaw umuwi sa kanilang bahay.
Wala pang naghahain ng pormal na reklamo laban sa ama, pero mayroong batas na pumoprotekta sa mga bata laban sa pang-aabuso. — BAP, GMA News
